Martes, Pebrero 26, 2013
Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang Kawalong Kahangahangang Pook sa Mun.Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.
Pinaniniwalaang gawa lamang ang mga mga palayang ito sa kaunting kagamitan at karamihang gawa na gamit ang mga kamay. Matatagpuan ang mga palayan sa humigit-kumulang na 1500 metro (5000 ft) sa itaas ng dagat at sumasakop ng lugar na may laking 10,360 kilometro kuadrado ng gilid ng bundok. Pinapatubig ito sa pamamagitan ng isang sinaunang sistemang patubig mula sa mga kagubatan sa itaas ng mga palayan. Sinasabing kung pagdudugtungin ang mga dulo hakbang, papalibot ito sa kalahati ng mundo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento